can't stop, can't sleep...

Wednesday, October 04, 2006

BAkit di dapat tumakbo si pacquiao?

Bakit di dapat tumakbo sa pulitika si manny pacquiao?

Nakakagulat talaga na may mga balita na tatakbo si Pacquiao sa pulitika bilang vice mayor sa Manila. Di ako naniniwala na kaya nyang maging isang pulitiko. Para sakin, masyado nyang ginagamit ang kasikatan nya. Maaaring malaking kalokohan at pagkakamali ang pag-nanais nya na sumama sa politika. Naniniwala nga ako na mahal nya nga ang Pilipinas at concern sya para dito at nais nya talagang patunayan na isa syang magandang ehemplo pero kahit pa na anong ganda ng hangarin nya, di parin iyon epektibo.

Talaga bang may kakayahan sya? Isa pa, kahit pa na totoong nakakapag-bigay sya ng dangal sa Pilipinas, di pa rin maganda yun, bakit? Dahil ang ipinagmamalaki nyang field ng sports ay boxing na puro bugbugan at basagan ng mukha. Malaking impluwensya ang nagagawa nito sa mga Pilipino lalo na sa mga bata.

Totoo nga na si Manny Pacquiao ay isang world-class na atleta at isa sa may pinakamadaming commercial sa telebisyon pero sapat na ba yon? Mayaman sya dahil sa pakikipagbugbugan nya at mga pag-eendorso ng kung anu-anong produkto na kahit anong channel at anong oras sa t.v. ay makikita mong mukha nya, ni mukha nya di maganda. Maganda ba syang ehemplo bilang isang Pilipino? Sa akin hindi, sa halip na nagsumikap syang magtapos sa pag-aaral eh inuna nya ang basag-ulo.

Nabasa ko sa isang artikulo sa dyaryo at alam ko na makabuluhan ito na talagang ito ang argumento sa pagtakbo ni Pacquiao sa darating na eleksyon sa 2007:
“…Manny Pacquiao is a world-class athlete and top advertising endorser. He has already climbed the Mount Everest of success, wealth and fame; why jump into the dark abyss of politics which is not his field of expertise? Pacquiao is already a national symbol. Why risk his prestige and good name by joining Philippine politics and possibly rising to his ‘level of incompetence’? What does he know about governance? How will he solve Manila’s perennial problems with poverty, garbage, traffic, slums, public education, law and order?
…or better yet, donate the bulk of his wealth and be a philanthropist.”
- August 028, 2006, Philippine Star
Hindi ba’t tama naman? Wala syang alam. Di sya college graduate at di rin sya degree holder, wala syang alam sa pulitika at sa gobyerno…isa syang mangmang sa ganitong aspeto, kaya’t di sya karapatdapat sa inaasam nyang pwesto. Isa pa, di naman kailangan ng boksingero sa pulitika, para ano, mambugbog at magbasag ng mukha?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home