can't stop, can't sleep...

Wednesday, October 04, 2006

Presyo ng mga bilihin

Presyo ng mga bilihin

Nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin na madalas sinasabi sa mga balita na tumataas ang piso kontra dolyar na patuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produkto sa world market pero hanggang ngayon mahal pa rin ang mga bilihin sa mga palengke ng Pilipinas na parang walang pinagbago at patuloy pa rin sa pagtaas. Minsan naiisip ko na dalawa lang ang posibleng kasagutan kung bakit ganun…isa, niloloko lang tayo ng mga nagsasabi na bumababa nga presyo sa world market at ang isa pa ay, marahil, dinadaya ng mga nagbebenta ang mga mamimili.

Sa totoo lang, mahal na talaga ang bawat produkto ngayon, ang halagang bente pesos ngayon ay wala ng mararating at puro kending pangtawid gutom lang ang mabibili sa halagang ito. Nakakaloko ang mga pinasasabi nila sa mga balita.

Masarap marinig na may roll-back sa presyo ng LPG at sa singil sa tubig pero napakaliit ng sinasabing presyong ibabawas dito. Kagaya na lamang nung sinabi nila na 0.08 cents per cubic meter ng pagamit ng tubig ang ibabawas eh sa minimum na 30 cubic meters ng tubig na ginagamit sa bawat kabahayan, 2.40 pesos lang ang mababawas at masasabing di ito malaking tulong. Sa dinamirami ng ginawa nilang pagtataas sa pagsingil, ang pag roll-back na ipinagmamalaki nila ay walang kwenta. Anong magagawa sa 2.40 pesos?

Pamahal na talaga ng pamahal ang mga bilihin at wala naman talagang tulong na nagagawa ang pamahalaan para pigilan ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home