Saturday, October 21, 2006
Friday, October 13, 2006
Wednesday, October 11, 2006
aLumni h0mec0ming
aLL rigHt
aBs0rBing Man
bArkAdA...
0rderTakeR
sAmpiP
sAyAng...tsktsk
s0me pe0pLe
Some people love shoes of different kinds
Some people like afternoons, or the way the moon shines
Some people love sleeping, as I do too.
That's why I ask myself, "What is it with you?"
Is there something wrong with the way I speak?
You don't even see me when I pass you on the street.
Just poke my eyes until I can't see
Because I just can't get why you love to hate me...
Love to hate me yeah...
And when I wake up, your the first thing on my mind
Come to think of it everytime, I'm dreaming of you
It takes a cold shower, or maybe two
So I can clear my head of it's thoughts of you
Is there something wrong with the way I speak?
You don't even see me when I pass you on the street.
I'll close my eyes and just go to sleep
Even though in my dreams, you'll still love to hate me
Love to hate me yeah yeah....
Call me crazy I just don't care
I'll never quit it, so you better beware
I'm stuck to you like glue until you tell me it's alright
To want you right until I die...
Sunday, October 08, 2006
nakakainis
Thursday, October 05, 2006
bitoy05-october,2006
do i need a reason?
tattoed on my mind
Wednesday, October 04, 2006
Maraming ibang napapansin ang mga politiko sa kongreso pero ang di nila batid ay ang problemang dulot ng paglaki ng populasyon ng mga bakla.
maraming kaso ng prostitusyon ang kinasasangkutan ng mga bakla.Nakakatakot ang kanilang impluwensya sa lipunan.Oo, di ko sila dapat husguhan, pero para sa akin nakakadiri ang kanilang mga pinaggagawa. Ang kanilang kalandian ay di nagsisilbing magandang ehemplo sa mga kabataan.tama ba naman na magpalaki sila ng kanilang dibdib,eh di naman sila tunay na mga babae.lagi nilang sinasasbing pusong babae sila pero ang totoo nasa utak lang nila yon dahil itinatak na nila na babae sila.
Gayunpaman may mga bakla pa ring dapat hangaan dahiol sa kakaiba nilang tagumpay na naabot sa buhay. Di lahat sila pare-pareho pero sana malinawagan ang isip ng ibang bakla na di nila dapat ituon ang kanilang sarili sa mga lalake at maging malandi.
Kung tunay nilang hinihingi ang pagkakapantay-pantay sa lipunan, dapat silang maging mabuting ehemplo sa lahat.
Presyo ng mga bilihin
Nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin na madalas sinasabi sa mga balita na tumataas ang piso kontra dolyar na patuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produkto sa world market pero hanggang ngayon mahal pa rin ang mga bilihin sa mga palengke ng Pilipinas na parang walang pinagbago at patuloy pa rin sa pagtaas. Minsan naiisip ko na dalawa lang ang posibleng kasagutan kung bakit ganun…isa, niloloko lang tayo ng mga nagsasabi na bumababa nga presyo sa world market at ang isa pa ay, marahil, dinadaya ng mga nagbebenta ang mga mamimili.
Sa totoo lang, mahal na talaga ang bawat produkto ngayon, ang halagang bente pesos ngayon ay wala ng mararating at puro kending pangtawid gutom lang ang mabibili sa halagang ito. Nakakaloko ang mga pinasasabi nila sa mga balita.
Masarap marinig na may roll-back sa presyo ng LPG at sa singil sa tubig pero napakaliit ng sinasabing presyong ibabawas dito. Kagaya na lamang nung sinabi nila na 0.08 cents per cubic meter ng pagamit ng tubig ang ibabawas eh sa minimum na 30 cubic meters ng tubig na ginagamit sa bawat kabahayan, 2.40 pesos lang ang mababawas at masasabing di ito malaking tulong. Sa dinamirami ng ginawa nilang pagtataas sa pagsingil, ang pag roll-back na ipinagmamalaki nila ay walang kwenta. Anong magagawa sa 2.40 pesos?
Pamahal na talaga ng pamahal ang mga bilihin at wala naman talagang tulong na nagagawa ang pamahalaan para pigilan ito.
Sa nakalipas na araw, natikman ng buong bansa ang lupit ng bagyong Milenyo,ngunit magpahanggang ngayon ay nararanasan pa rin ng marami ang hirap na dulot nito sa pamumuhay ng tao.
Tila naging isang bagyo ito ng buhay ng maraming tao dahil sa mga masasamang idinulot nito.Aakalain ba naman ng marami na ang bagyong papalihis na ng bansa, ay lilikha pa ng unos na sumira ng buhay ng tao at ng maraming ari-arian.
Parang isang bangungot ang mga nangyari.Di ba’t nakakainis na matulog at gumising ng walang kuryente. Malaking perwisyo din ito dahil nagging walang kwenta ang cellphone ko dahil una sa lahat, walang signal at mahirap magcharge.
Sino nga ba ang matutuwa? Ang mga lugar na nakapaligid sa aming bahay ay nakaranas ng baha.Wala ngang mga klase sa lahat ng antas, pero sino ang di mababgot!!!!!!!!!!!!Wala akong magawa kung hindi ang tumunganga.
Sobrang hirap ang idinulot niya, na hanggang ngayon parang may hangover pa ang marami.Naku, kung gugustuhin ko lang, ayaw ko nang mangyari pa yun ulit.Malaking perwisyo talga si Milenyo sa buhay ko.
BAkit di dapat tumakbo si pacquiao?
Nakakagulat talaga na may mga balita na tatakbo si Pacquiao sa pulitika bilang vice mayor sa Manila. Di ako naniniwala na kaya nyang maging isang pulitiko. Para sakin, masyado nyang ginagamit ang kasikatan nya. Maaaring malaking kalokohan at pagkakamali ang pag-nanais nya na sumama sa politika. Naniniwala nga ako na mahal nya nga ang Pilipinas at concern sya para dito at nais nya talagang patunayan na isa syang magandang ehemplo pero kahit pa na anong ganda ng hangarin nya, di parin iyon epektibo.
Talaga bang may kakayahan sya? Isa pa, kahit pa na totoong nakakapag-bigay sya ng dangal sa Pilipinas, di pa rin maganda yun, bakit? Dahil ang ipinagmamalaki nyang field ng sports ay boxing na puro bugbugan at basagan ng mukha. Malaking impluwensya ang nagagawa nito sa mga Pilipino lalo na sa mga bata.
Totoo nga na si Manny Pacquiao ay isang world-class na atleta at isa sa may pinakamadaming commercial sa telebisyon pero sapat na ba yon? Mayaman sya dahil sa pakikipagbugbugan nya at mga pag-eendorso ng kung anu-anong produkto na kahit anong channel at anong oras sa t.v. ay makikita mong mukha nya, ni mukha nya di maganda. Maganda ba syang ehemplo bilang isang Pilipino? Sa akin hindi, sa halip na nagsumikap syang magtapos sa pag-aaral eh inuna nya ang basag-ulo.
Nabasa ko sa isang artikulo sa dyaryo at alam ko na makabuluhan ito na talagang ito ang argumento sa pagtakbo ni Pacquiao sa darating na eleksyon sa 2007:
“…Manny Pacquiao is a world-class athlete and top advertising endorser. He has already climbed the Mount Everest of success, wealth and fame; why jump into the dark abyss of politics which is not his field of expertise? Pacquiao is already a national symbol. Why risk his prestige and good name by joining Philippine politics and possibly rising to his ‘level of incompetence’? What does he know about governance? How will he solve Manila’s perennial problems with poverty, garbage, traffic, slums, public education, law and order?
…or better yet, donate the bulk of his wealth and be a philanthropist.”
- August 028, 2006, Philippine Star
Hindi ba’t tama naman? Wala syang alam. Di sya college graduate at di rin sya degree holder, wala syang alam sa pulitika at sa gobyerno…isa syang mangmang sa ganitong aspeto, kaya’t di sya karapatdapat sa inaasam nyang pwesto. Isa pa, di naman kailangan ng boksingero sa pulitika, para ano, mambugbog at magbasag ng mukha?